Monday, August 20, 2007

AUG 18

Ang buwan ng Agosto marahil ay isa sa mga buwan na merong emosyonal na tagpi sa aking puso.Bago p man halikan ni NINOY ang tarmac ng MIA ( NAIA now) , may kurot n sa puso ko ang pag sapit ngAgosto..

REWIND...
Umaga nun Agosto 18, naglalaro kami sa bakuran.Si erpat nag lilinis ng silong ng bahay.
DI kaginsa-ginsa, bigla cya tumigil at nag suot ng pantalon.Punta raw cya hospital
kasama Nanay ko.Bandang hapon, umuwing nanangis ang si nanay. Wala n raw si erpat..
Gulantang kami.Natuklaw pala siya ng kobra sa silong habang naglilinis, kaya pala biglaan ang punta nila sa hospital.

Mula sa puntong 'yon, nagbago ang lahat.
Inako ni nanay ang dapat sanay gawain ng mga tatay.Itinaguyod nya kami sa abot ng
kanyang mkkaya.Sa palagay, nag tagumpay nman siya duon sapakay nya.
Napagtapos nya kaming 3 ng pag aaral.Si bunso kung di nagluko, malamang nkatapos din.
Tumulong din kaming 4 n magkkapatid para maibsan ang hirap na pasan nya..

PRESENT TIME..
Kakainggit ung mga may tatay pa..
sarap siguro ng feeling ung nkkapag kwentuhan sa tatay mo.
ung sharing kayo about anything and experiences.
mga kalokohan, katuwaan, ng saya, ng lungkot
kabiguan at mga tagumpay...

Sa buwang ito,muling nanunumbalik ang kalungkutan at kapighatian ng sa aking puso
sa pagkwala ng isang haligi sa aking buhay..



1 comment:

ggmayang said...

hummm ang sad nman nun, but that's life d ba? full of surprises. Saken very emotional din tong buwan na toh. but thanks for being there.. ^_^